"Paano kung ang salita'y mabigo? Magdurugo rin kaya ang puso nito?"
Isang pagpupugay sa iyo kaibigan!
John Lester nga pala ang aking pangalan,
Aking asawa ang mga tula-tulaan
Aking kaluguyo ang dula-dulaan.
Nag-iisang supling sa tahanan,
Wala pang amang kinalakhan
Ngunit naging maligaya rin naman,
Sa loob nang aming mumunting tahanan.
Ako nga pala'y nag-aaral aralan
Sa Pamantasang Utak ang Puhunan
Doon kung saan ang Iskolar ng Bayan
Ay sumisigaw upang ipaglaban ang karapatan
Sa puso ko'y iyong matatagpuan
Hiyas na batong walang kinang
Sa isip ko naman'y mawawatasa'y
Bulwak nang salitang walang laman
Hindi ko hinihiling na tayo'y maging magkaibigan
Ang nais ko lamang ay iyong malaman
Na kapag ako'y binilang na iyong kaibigan
Ikaw ay iingatan magpakailanman.
Hikbi ng mga Buwan
Lahat ng umiibig ay nasasaktan. Sa lalim at babaw lang nakakaiba. Kung kaya’t kapag nasaktan ka ay dapat handa ka ring amining nagmahal ka. Dahil sa pag amin mo mahahanap ang gamot na magdidikit dikit sa pira-piraso mong puso. Magmukmok ka at umiyak pero huwag mong gagawing bisyo. At kapag pagod ka na, harapin mo ang bagong umaga na may ngiti sa iyong mga labi. Lumipad ka at damhin ang pagsuyo ng hangin.
Usal: HIKBI NG MGA BUWAN
Likha noong: 04/06/12
ENERO….
Kawangis ng hanging naramdaman
nalasap….ngunit di nasilayan
pintig ng puso’y madahan
Dahan…dahan.. tila walang laman.
PEBRERO…
Pagmulat ko’y paligid ay namumula
Singtingkad ng luha ni Birheng Maria
pagkat noon ikaw ay nagpakilala
Sa pangalang kay konti naman ng letra.
MARSO….
Pabilis nang pabilis ang pulso
Ala-ala’y dala saan man magtungo
Bayan nang Maldiaga’y biglang naglaho
At nanumbalik totoong mundo.
ABRIL….
Nagpangkat ang oras
Nahati…akala’y magwawakas
Nagkalayo….para bang kay dahas
Pero nanatili pangako mong wagas
MAYO…
Patong na kasiyahan ang nadama
kaarawan ko’y nagkaroon ng saya
Sinabayan pa ng huni ng piping maya
At halimuyak ng bubo’t na sampaga
HUNYO...
Nanabik muli sa ating pagkikita
Nagbaka sakaling matutupad, sinta
Ang usal na salitang binitawan kay Bathala
Na madamang muli ang kakatwang ligaya
HULYO…
Puro tanong ang lumagaslas
Ngunit lahat iisa ang bulalas
Pag-ibig daw ito’t kailangang mag-ingat
Dahil sa huli raw, baka ako’y umiyak
AGOSTO…
Tumindi lalo ang aking pagkagusto
pag-aasam..pagmamahal sa’yo giliw ko
Kahit ba tanging ngiti lang ang ibayad mo
Sapat na ‘yan, may sukli ka pa sa puso ko.
SETYEMBRE…
Ihip ng hangi’y nag alumpihit
Tinangay ang damdamin, hinagupit!
Pagtatapat ko’y dulot ay pait
Umiwas ka. Nagbago ka. Ang sakit!
OKTUBRE…
Kahit si Ondoy ay di kayang matalo
Ang bagyong lumurok sa puso ko
Daluyong na bunga ng pagkabigo
Pagkabigong sanhi ng pagtalikod mo.
NOBYEMBRE…
Nagluksa sa damdaming pumanaw
Nagpaalam sa pagsuyong uhaw
Ibinaong ala-ala sa paglubog ng araw
Di na nanaising muli pang dumalaw
DISYEMBRE
Wala ka man sa piling ko
Maging masaya ka nawa, giliw ko
‘Pagkat pagpasok muli ng Enero
Puso ko’y titigas - magiging bato!
***
Lupig
Hanapin mo ako’t baka sakaling mawatasan mo. Andito lang naman ako - sa karuwagan ng pag-asang hunghang na may kakaibang hilakbot. Huwag! ‘Wag mong papangarapin sa ganitong lugar. Matinik, nakakasugat. Malalim, ngunit walang laman. Nasaan na ang trumpeta? Nasaan na ang salitang maginoo? Nasaan na ang talang sumilay at dumampi sa puso? Nasaan? - hayun - nasa kailaliman. Lugar na walang makakaarok. Ni walang makakatunghay. Di matatanglawan. Di maaabot kahit sa panaginip. Tuyo na’t nilanta pa. Wala na talagang pag-asa. Kawawa ka!
Datapwa’t pag-asa’y natatangi, sa bulwak ng usok sa mga ulap. Ngunit heto ba ang nais na madatnan? Pagsukong biniyak ang kalangitan? Labis na kalungkutan. Walang kadamayan. Nag-iisa’t patuloy na naglalakad sa dulo ng karuwagan….
Ni ang salita’y walang masalita. Wala na nga. Wala na nga.
My first broken heart </3
I will never regret loving you, only believing you love me too.
Patuloy na umiinog ang mundo. Kung gaano kabilis, maaaring ang may kaalaman lang at may espesyalisasyon sa bagay na ito ang tanging makapagsasabi. Pero bakit nga ba ganun, bakit tila ang mundo ko’y umikot sa’yo. Hindi ko man alam ang eksaktong bilis - pero nakakapagod. Napagod ako hindi sa pagmamahal sayo kundi sa paghihintay at pag aasam na baka bukas makalwa mamahalin mo rin ako. Pero nagkamali ako. Nasaktan. Nabigo. Yan ang napala ko. TANGA NA BA AKO?
I’m not blaming you for breaking my heart, I’m blaming my self for letting it get this far.
17 years. 17 years akong nabuhay ng wala ka - at nakaya ko. Pero bakit ang naramdaman ko sa loob ng mahigit isang taon sa’yo ay parang kaytagal. Sobrang tagal na para bang hindi na ako sanay na hindi kita makikita. Masakit, pero kung nakaya kong mabuhay ng wala ka. Alam kong makakaya ko muling tumayo mula sa pagkakahulog na dahil sa hindi mo pagsalo.
I have to go out on my own, so I can find my way back home
Goodbye. I’ll be leaving just like what you did. Pero iba pa rin yun. You leave effortlessly without looking back. Ako? I still want to see you and say, “take care, I’m always here for you”. TANGA NA BA ULIT TAWAG DITO?
I just can’t continue expressing my emotions here. Pffft be to the words! Pffft be to this blog. Pffft be to the yellow man. I’m so lost. I’m so broken. But I will stand up just to reach the seventh heaven.
Just to reach the seventh heaven.
Osoles: Badya’y matalim!
Pati rin pala kesong bulok, pinapatos.
***
Timping kinang sa batis
Nilumot ng mapanudyong kutis
Silay ng alaalang dakip
Puso’y may tarak - nasisikil
——————————————-
Kurot ng kahapong luyot
Pinigang katas na masalimuot
Tinampal ang kudyapi
At nota’y nayupi.
———————————————
Hanggang kailan dapat itago
Lihim ng kahapong nakayuko
Oh sadya nga bang malabo
Ito’t pawisan na’t hinahapo
——————————————-
Dulog na kalansing
Sa palad hinain
Pag asang mahalin
Nilipad ng hangin
——————————————-
Ang tuldok ay di katapusan
Ang katapusan ay walang hangganan
Ang hangganan ay walang daan
Ang daan ay walang patutunguhan
———————————————
***
Kipit na salita
May mga bagay na sadyang mas mabuting manatiling lihim. Dahil sa katotoohanan, may mga bagay na mas gugustuhin mo pang di mo malaman dahil sa dulot nitong sakit sa puso’t isipan.
***
Salita ng kahapo’y masangsang
Kipkip ang latay sa bagang
Apo’y na syang lumatay
Sa pag ibig na lustay
———————————————
Dilang mapanukso
Hagod na bumabayo
Haplos ng dalawang puyo
Walang tutumbas sa palalo
———————————————
Sa dilim nagtago’t umuslo
Lumantad ang aninong tago
Talim ng palakol ay talo
Sa kalawang na dulot nito
——————————————-
Kulbit ng dilubyo
Sa simoy na may ritmo
Umugong, biningi ang puso
At sa pakiwari’y dugo’y kumulo
———————————————
Kidlat nga ay dumurog
Sa kristal na hinog
Ngayon ay nagkalat, inalog
Kumupas ang ganda’t alindog
——————————————
****
Kumukupas din ang Pag-ibig
Kaya mo nasasabi na binabalewala ka ng isang tao, kasi iniisip mo na MAHALAGA ka para sa kanya. . kahit HINDI naman talaga.
Minsan na akong umiibig at nasaktan. At ngayon, umiibig at nasasaktang muli.
Bakit nga ba mahirap turuan ang puso? Bakit kapag ginusto nito, walang anuman ang makakapigil? Kahit masakit, kahit sobrang sakit ito pa rin ang nasusunod. Bakit di kayang kontrolin ng isipan ang lahat. Bakit nakaka-bobo? Kelan kaya matututo?
Nararamdaman ko na ang naramdaman ni Lola Sepa, isang karakter sa nobelang Amapola (sa ika-65 na kabanata) na likha ni Sir Ricky Lee, ng ibigin niya si Andres Bonifacio. Unrequited love daw. Unrequited? Bakit ba usong uso yan? Pauso kasi si Lola Sepa, yan tuloy nahawa pa ko ng kamalasan niya sa pag-ibig. Sana ako na lang si Amapola, na sa bandang huli ay inibig ni Homer. Si Homer na pangrap niya. Pangarap niya na dati ay di niya maabot. Pero natupad lahat yun ng ma-realize ni Homer ang halaga ni Amapola sa buhay niya. Kayat ito’y inibig niya.
Pero wala na talagang Homer sa mundo. Kahit yung mga mahal ko, malayong malayo na sila sa pagkatao ni Homer. Marahil katha lang talaga ang katangiang iyon gaya ng pagkatha sa nasabing nobela. Pero bakit ang sakit talaga ng puso ko? Naiinggit ba ako kay Amapola? O dahil may hindi lang talaga ako matanggap? Kaya ko naman kasing tanggapin ang realidad kung ano man ang nakaguhit doon, pero yung katotoohanang hindi na nga ako, yun pang taong yun - yun ang di ko matanggap.
ENOUGH OF THESE NON-SENSE THINGS.
Salita’y walang sigla
Hnahangad ko ang hinahangad niya. At kagaya ng nais niya, nais ko ng mawala. Iyon ang hangad na ninais naming dalawa. </3
***
Pitik-bulag kung laruin
Sa hanging nag alumpihit
Tinangay…sa baybayin
Saan bang baybayin?
————————————————-
Doon ba’y may ginto’t pilak
O kaya’y sorbetes at alak
Bakit di ka makatakas
Yapak ka na nga’t walang tsinelas?
————————————————-
Napaso’t natinik
Kahit bakal ang nakakabit
Sinungkit inalis
Pinilit ng pinilit.
———————————————-
Hiningang bitin
Nais kang habulin
Hangad na ipabatid
Ikaw ang buhay sa akin
———————————————
Bakit tuyo na’t lanta
Dahon ng gumamela
Gayong nadilig ito sinta
Iginuhit pa nga’t ipininta.
——————————————
Ang salita’y walang tugma
Walang simbolo ng pag asa
Salita’y nauom na’t ubos ang sigla
Naghihikahos, may pagbabadya.
——————————————
The end…
I don’t need to change my style or even my personality just to make you fall in love with me. I don’t need to be the title holder of a beauty pageant just to catch your attention. I don’t need to be hypocrite just to get you. What I want is to go back to the times when we were strangers.
-for you… </3
Routine na yata ang mga nagyayari sa akin. For the nth time, nasaktan na naman niya ako. I got four revealations now - enough to stop the stupidity of my heart. The first one was coming from my classmate- serious things na ayoko ng pag usapan. The next one was from his friend. The third was from my classmate again, and I got the confirmation from the involved person. Well, totoo nga daw. And the last, was the most shocking and fucking thing I’ve heard - kagabi lang. Kung totoo man o hindi. It won’t affect my decision. AYOKO NA. :/
Yes, lagi ko na lang sinasabi sa mga kaibigan kong,”AYOKO NA” “LAST NA TO”. Pero hindi ko matupad. But this time, I will assure my self na tutuparin ko na yun. I can!
Shit, for some reason I hate hearing “I can”, sounds like strange *kindat*.
Oh well, move on is the answer. So i’m driving on…
Nais ko ng pluma
Ito nga ba’y isang pagsubok o sadyang katamaran lamang?
Ninais kong magsulat ng mga tula o di kaya’y sanaysay gaya ng ginagawa ko dati. Subalit wala ni isang katagang bibihag sa pihikang isipan ang kumikintal sa aking isipan. Nagtataka ako. Dati rati nama’y kay bilis ng isipan kong mag isip ng mga mabubulaklak na salita na pumapatid sa uhaw na nadarama ng aking utak. Ibang iba sa ngayon. Ibang iba ang takbo ng isipan ko.
BAKIT KAYA?
Ito ba’y dahil sa nalalapit na Araw ng mga Puso? At sa aking pag iisip kung sino ba ang aking makakasama sa isang espesyal na araw na ito? O dahil sa katotohanang wala naman talagang may nais na sumama sa akin? Pero kung ano man talaga ang rason, mas nanaisin ko pa yung dati. Gusto ko na ulit sumulat ng tula at sanaysay na may saysay. Hindi yung makagawa ka lamang para may mai-post lang.
At sa darating na araw ng mga puso, uso ang mga mapagkunwari. Sasabihin nilang okay lang na wala silang ka-date pero sa loob-loob naman nila ay nalulungkot sila. Ang ipokrito lang. Dapat magpakatotoo na lamang. Wag puro arte at drama! Nabubuhay man tayo sa isang mundo na puno ng tunay na drama kagaya ng sinambit ni Kenneth Burke, hindi nangangahulugan na puro lungkot at sakit lamang ang dapat maipakita. Bobo ka ba? Sa drama hindi lang yan ang elemento. Pwede kang tumawa simbolo na masaya, magulat at matakot.
Piliin mo ang landas na tama dahil iyon ang tunay na magbibigay ng kaligayahan sayo. Mag hunos dili ka!
Koleksyon ng Kahulugan ng Tunay na Pag-ibig
(Inaalay para sa pinakamamahal kong si @garrikimvallega (ArSoNiSt). Na minsang nagmahal at nasaktan. Tumawa at umiyak. Nabiyak at nabuo. At ngayo’y umiibig muli. Sa kanyang katauhan ay masasalamin ang dampi ng pagsuyong wagas. Pag-ibig na handang iaalay ang buhay gaano man ka-morbid ang kapalaran.) ————————————————————- Kapag nagmamahal ka, hindi sa lahat ng oras makakadama ka ng tamis. Hindi rin naman purong pait. Kapag nagmamahal ka, maraming emosyon ang bubulwak mula sa iyong puso. Magpapaligaya. Magpapahirap. Mamaya kikilitiin ka. Bukas kukurutin ka naman. Parang bipolar ang puso kapag umiibig. Pabago bago ito ng mood. At ikaw na may ari nito ay walang kontrol at hindi kayang pasunuriun ito.Oo, masarap magmahal…pero minsan mas masarap kainin ang minamahal. Sa pamamarang iniisip ko at hindi kung ano ‘yang nasa utak mo. Ang salaysay na ito at ang koleksiyon ng kahulugan ng tunay na pag ibig ay nagmula sa imaginary alter ko na tawagin na lang natin sa pangalang NEBULA(malayong kamag anak ni AMAPOLA, na alagang aswang ni Sir RICKY LEE), isang aswang na walang pakpak, hindi rin nahahati ang katawan. Lalong hindi humahaba ang dila at hindi rin takot sa bawang. Kakaibang aswang, ika nga. Siya ay kathang isip ng aking isipang walang laman kundi katarantaduhan. Ibig sabihin lamang nito, hindi ako ang sumusulat at nag iisip nito. Ang isipan ni Nebula ang nagdidikta nito. Maniwala ka man o hindi may kamay ang isipan niya at kaya niyang magsulat. Astig di ba? Gaya nga ng tinuran ko, ang pag-ibig hindi laging sweet o bitter. Dahil para kay Nebula, ang kahulugan ng tunay na pag-ibig ay MORBID. *** Basahin mo ng may emosyon ang korning kahuluagan ng pag-ibig. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagdukot ko sa puso mo upang gawing hamonado. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pag chop-chop ko sa mga daliri mo upang gawing midnight snack. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagpugot ko sa ulo mo upang gawing paksiw na ulo ulo. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagbunot ko sa mga ngipin mo upang gawing popcorn. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagputol ko sa buhok mo upang gawing pancit. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagdukit ko sa mga mata mo upang gawing kwek kwek *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagbali ko sa mga buto mo upang gawing lumpia. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagtanggal ko sa mga balat mo upang gawing lumpia wrapper. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagputol ko sa tonsil mo upang gawing chupachup lollipop. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagkuha ko sa esophagus mo upang gawing torotot. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagdukot ko sa bituka mo upang gawing isaw. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pag tadtad ko sa atay mo upang gawing kaldereta. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagputol ko sa tenga mo upang igisa sa suka. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagdekwat ko sa baga mo upang gawing pakbet. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagtanggal ko sa mga blood vessels mo upang gamiting alternative ng miswa. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagkuha ng sa plema mo upang gawing gelatin at jelly ace. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay pagtanggal ko sa mga kuko mo upang iprito at gawing chips. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang paggayat ko sa ilong mo upang gawing menudo. *Ang tunay na kahulugan ng pag-ibig ay ang pagsipsip sa dugo mo upang gamiting pang dye ng buhok ko. *** Marami pang kahulugan si Nebby (nickname ni Nebula) subalit pagod na syang mag type at mag isip. Sa susunod daw muling pagtutuos susubukan niyang dagdagan. Subalit bago niya tapusin ito. Nais muna niyang sabihin na ang tunay na kahulugan ng pag ibig ay hindi kong ano ang ideal kundi kung ano ang pekspektibo ng bawat indibidwal patungkol dito. Wala itong pamntayan. Hindi ito magkakatugma tugma. Iba ang kahulugan mo. Iba ang akin. Iba ang kay Nebby. Hindi rin niya sinasabi sa pamamaraang literal ang saloobin kundi sa pigyuratibong paraan. Paraang hindi madaling maintindihan. Para magmukhang genius naman, kahit sa totoo, hinding hindi. Kaya sa susunod wala ng mag iinarte pagdating sa pag-ibig. Wala ng gagamit ng mga salitang sweet o bitter. Morbid naman, maiba lang. :)
PISKLAT at AMOG
“Kapag sinabihan ka na PLASTIK….sabihin mo sa kanya… GOMA sya. Kapag sinunog kayong dalawa…MAS MABAHO SIYA”.
***
Mga ngiting mayumi,
Sa buwan ng Pebrero’y nagkukubli
Nagnanasang bahiran ng pait
Ang huwad na pusong may tamis
————————————————
Sariwang halakhak
Sinlambot ng bulak
Dampian mo’t higaan
Pantal at sugat ang aasahan
————————————————
Wari mo’y makintab
Tingnan muli’t ng mawatasan
Agar-ar sa sentido’y malakas
Lalakas…palakas ng palakas
————————————————
Kontento syang hilahin ka
Gamit ang mapanlansing usal niya
At kapag nakatali ka na
Sa asupre naman maghanda
———————————————
“Ang tao madaling magtiwala, kahit alam niyang aahasin siya”
Sa mga ahas sa tabi-tabi…tamaan nawa kayo ng palasong ng mangangaso. :D
Palalong sikat
Ikasa ang baril, ipunto
Isara ang bintana, magtago
Oh Kabayo’y sisikat, pasikat!
Sakit at sarap maghihintay, masaklap
——————————————————-
Oh dungawin mo ang dalawang bundok
At makikita mo tore sa tuktok
Nakatayong maigi’t nakaumbok
Tila inaakit kang tumuntong
—————————————————
Palalong giliw, haligi’y mataas
Di matitinag kahit ni Sendong na malakas
Kapag ninais ikaw ay iiyak
Tatawa, iiyak.. tawa. iyak.
—————————————————-
Walang kobre kama
Nganga ng nganga
Agiw na nagbitin
Iyo ng nilunok at kinain
—————————————————-
Wala ng hagdan, wala ng lakas
Wala ng natira kahit dignidad
Nais mo ba yan?
Nais mo nga yan!
————————————————-
Hiling ko kay SANTA…
Dear Santa,
Alam ko pong hindi ka totoo. Sa katunayan nga po, noong bata pa ako, tuwing pasko humihiling ako sa inyo. Sabi kasi ng mommy ko magsabit daw ako ng medyas sa may bintana, mag wish at paggising ko sa umaga, matatanggap ko na yung hiniling ko sa inyo. Siguro 5 years niya akong napaniwalang nag e-exist ka. At 5 years kong pinaniniwalaang ikaw ang nagbibigay ng mga regalong hinihiling ko. Pero ika nga nila “walang lihim ang di mabubunyag”. Naalala ko noon, siguro mga 9 o 10 years old ako, sabi nang mommy ko…ano raw wish ko sa Christmas kasi hinihingi mo na raw yung list ng mga wishes, eh akong paniwalang paniwala eh nagsabi na kotseng remote control. Tandang tanda ko yong time na pinapatulog ako ng mommy ko, kasi di ka raw dadaan ng bahay kapag di pa ako natutulog. Kaya naman pumasok na ako sa kwarto upang matulog, “kunwari”. Syempre gusto rin kitang makita, gusto kong makita ang mga reindeers mo, saka yung mahaba mong balbas. Mga 1 hour (tantya lang) pumasok ang mommy ko, syempre umarte ako tulog na. She kissed me, then binuksan niya yung drawer niya, may kinuhang gift. Nagtaka ako kung kanino niya ibibigay yun. Nakalagay sa mahabang kahon na kulay green, tapos may ribbon na yellow. That time napaisip ako, kaya tinawag ko sya, sabi ko gusto kong kumain. Alam mo Santa ang sabi niya, “Nak dumaan na si Santa, dala dala na yung gift niya para sa’yo”. Excited akong tumakbo papunta sa terrace namin, tumingin ako sa taas, nagbabakasakaling baka makita pa kita, pero WALA KA. Tinanong ko ang mommy ko kung nasaan ka na, sabi niya pumunta ka na raw sa North Pole, kanina mo pa raw kasi inihatid yung gift mo sakin. Tapos ibinigay niya sakin “yung gift mo raw”, nagtaka ako kasi kaparehong kapareho ng gift na nakita kong kinuha niya sa drawer niya sa kwarto nung nagkunwari akong tulog. Binuksan ko at pagsambulat sa akin, kotseng de remote. Peron instead na ma-amaze ako, tiningnan ko ang mommy ko, nginitian at saka sinabing… THANKS SANTA MOMMY. Alam ko ng di totoo si SANTA, si Santang mataba na naka costume ng red, si Santang may mahabang puting balbas, at si Santang nakasakay sa akala mo’y kalesa, yun nga lang reindeers na lumilipad ang nagpapatakbo. Pero totoong may Santa na nagpapasaya sakin, Santang tinutupad ang mga wish kong laruan tuwing pasko at Santang nabisto ko. Si SANTA-ang MOMMY ko. :)
Pero bukod po sa kwento ko Santa, may wish ako kahit di ka totoo. Wish na di na kayang ibigay sa akin ng mommy ko, kaya sa inyo ko na po ulit hhilingin. Sana ibalot niyo po yung mahal ko sa kahong kulay fuchsia at pakilagyan na rin ng ribbon na red sa leeg niya. Paki deliver na lang po sa Tiaong Quezon sa December 25. Ibabalik ko rin po sya sa inyo. Salamat. LOL XD XOXO SANTA.
-Lester :)
Sino nga ba ang pupuno sa kulang?
Masdan ang paligid. Damhin ang hangin. Pakinggan ang mga tunog. Hindi nga ba’t patunay lamang na darating na ang kapaskuhan — ang dakilang araw ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas na si Hesus. Tumingin ka sa kaliwa, nakikita mo ba ang mga batang nangangaroling na todo kanta kahit sintunado? Eh sa kanan? Nasisilayan mo ba ang mga naglalakihang parol at christmas lights na kumukuti-kutitap sa saliw ng masasayang musika at binubuhay ang gabi? Nadarama mo ba ang malamig na simoy ng hangin at nai-imagine ang sarili na nasa Baguio? Maginaw, hindi ba? Napangiti ka. Ngunit ng lumaon habang patuloy na binabaybay ang daan, natahimik ka, nag isip. Magulo. Mahirap. Malabo. Hindi mo mawari kung ano ang bumabagabag sayo. Para kang nawalan ng kaalaman sa lahat ng nangyayari sa sarili mo mismo. Kaya tumigil ka ng makakita ka ng upuang bato. Umupo ka’t huminga ng malalim. At doo’y pumatak ang mga luha mo. Luhang dalisay at galing sa puso. At pagkatapos napagtanto mong parang may kulang. Hindi ka buo. May nawawala o maaaring may nang iwan. Inisip mo ulit kung ano yun. “Gulong gulo na ako, bakit ang sakit, anong dahilan?”, tanong mo sa sarili mo. Subalit wala ring sumagot. Maingay ang paligid ngunit tila wala kang naririnig. Bininga ka ng sariling agam agam. Huminga ka muli ng malalim. Litong lito ka na. Umiyak ka lalo, bumuhos ang mga luha sa iyong mga mata. Kaya binuksan mo ang iyong body bag at kinuha ang panyong nakaipit sa dala mong notebook. Kinuha mo iyon, kasama ang notebook. Pagkakuha mo ng panyo sa notebook ay isinilid mo na ulit ito sa loob ng bag. Ngunit bago mo pa maisara ang zipper ng bag ay nakita mo ang isang litrato na nahulog mula sa pagkakasipit nito sa iyong notebook. Dinampot mo ito sa lupa. Nagtaka ka kung kaninong picture yun. “Kanino naman kayang picture to? Wala naman akong itinatagong picture kahit picture ko sa bag ko, lalo naman sa notebook”, nagtataka kang itinanong sa sarili. Nang mahawakan na ito, pumintig ng mabilis ang iyong puso. Mabilis. Parang may hinahabol. Sabik na sabik kang malaman kung sino ang nasa larawan kayat nagmadali kang tingnan ito. Napatitig ka sa larawan at dahan dahan muling tumulo ang mga luha. Humagulgol ka. Nakaramdam ka ng matinding sakit, at ngayon alam mo na ang dahilan.
Bumalik muli sa iyong isipan ang mga alaalang pilit mong tinataguan. Nang una, nakikita mo sa iyong imahinasyon ang masasayang sandaling kapiling sya. Ang pagpunta niya sa bahay niyo, paglabas niyong dalawa upang pumunta sa park at makapag usap. Ang lambingan niyo, ang matamis niyong tawagan, ang mga bulaklak at tsokolateng dala niya kapag bumibisita sya sayo. Ang masasayang asaran, ang maiinit na gabing inyong pinagsaluhan.Lahat ng magagandang nangyari sa buhay niyo. Ngunit wala kang nagawa sa huli kundi pangarapin na lamang yun, wala na ang lahat. Isa na lamang itong alaala. Alaalang matamis na pinapait ng panahon. Alam mong sya ang kulang. Sya ang hinahanap. Sya ang tanging hiling ngayong kapaskuhan. Sya ang pangarap na bitin. Ang nais na di na makakamtan. Sya ang pinakamamahal at pinag aalayan ng buhay. Sya ang pag-ibig. Sya ang buhay. Ngunit sya’y may iba ng kapiling. Hindi na ikaw ang bumubuo sa kanya. hindi na ikaw ang hinahanap. Hindi na rin ikaw ang hinihiling; ang pangrap; ang nais. Hindi na katulad ng dati ang pagmamahal, ni ang buhay ay di na sayo iniaalay. Iba na ang kanyang iniibig; ang kanyang buhay.
Mapait na dulo, ngunit ang dulo’y di katapusan. May bukas pa. Sayang ang mga kalendaryong nagawa kung di rin magagamit ang mga araw at buwang nakaimprinta. Mag hintay ka lang, kusang darating ang taong pupuno ng kulang na kailanman ay di ka iiwan. Magtiwala ka sa panahon. Ang buhay mo ay mahalag at di ka nabubuhay para sa kanya. Bilyon ang tao sa mundo, imposibleng wala doon ang para sayo. Kaya ngumiti ka na, kundi magkaka wrinkles ka. Ikaw rin baka pumangit ka at sa bilyong tao wala ni isang magmamahal kang makita. ;)
PASARING: tagakitil; tagasikil.
Sa gabi ng katahimikan
Kasama ang buwang maningas
Doo’y biningi ng alingawngaw
Sa salin ng musikang pipi
Ang pusong sagana
Sa agam agam at pighati
———————————————-
Luha’y tumagas
Umapaw!
Dinaig ang dagat
Maalat.
Puno ng hirap.
———————————————-
Biyak na kamao
Dugo’y di kumatas
Pagang nagbuhat
Sa bulok na bagang
Walang katapusan.
Walang kalutasan.
———————————————-
Hanging nanggigising
Pinainit ng hikbi
Tila sumasabay sa awit
Na may ritmong madahas
Nakakagulat.
Dulot nama’y sugat!
————————————————-
Hangad ay kasagutan
Sa piling ng bulaklak
Ngunit hatid na halimuyak
Masangsang na hinagap!
Kakambal ko ba ang hirap?
——————————————
Kay rami ng sulyap
Kay konti namang pangarap
Ang pusong bubulwak bulwak
Sa kaalunan ng kanluran,
Binabad sa asidong
Peklat ang katumbas.
————————————————
Ang tudling na pilit
Malabo’t walang rikit
Wangis ng isang tigre
Na pusa pala ng mahuli.