"Paano kung ang salita'y mabigo? Magdurugo rin kaya ang puso nito?"
Isang pagpupugay sa iyo kaibigan!
John Lester nga pala ang aking pangalan,
Aking asawa ang mga tula-tulaan
Aking kaluguyo ang dula-dulaan.
Nag-iisang supling sa tahanan,
Wala pang amang kinalakhan
Ngunit naging maligaya rin naman,
Sa loob nang aming mumunting tahanan.
Ako nga pala'y nag-aaral aralan
Sa Pamantasang Utak ang Puhunan
Doon kung saan ang Iskolar ng Bayan
Ay sumisigaw upang ipaglaban ang karapatan
Sa puso ko'y iyong matatagpuan
Hiyas na batong walang kinang
Sa isip ko naman'y mawawatasa'y
Bulwak nang salitang walang laman
Hindi ko hinihiling na tayo'y maging magkaibigan
Ang nais ko lamang ay iyong malaman
Na kapag ako'y binilang na iyong kaibigan
Ikaw ay iingatan magpakailanman.
AKINAM ko? (Mga Tanong ng Puso
Ni: JLesterNM
Tuyong batis, kayang languyin
Alapaap, kayang abutin
Ngunit pagkabata’y subukan mong iwaglit
Hanggang sa pagtanda’y dala-dala ang pait
I
Inay..itay, nasa’n ang manika?
Bakit sa aki’y ‘di ibigay ng sadya
Sabik bihisang kawangis ay prinsesa
Nais pangalanang “Flordeliza”
II
Bakit si Ate’y pinagkalooban
Itinahi pa nga ng munting kasuotan
Ang nais lang nama’y makahiram
Kahit kupas ng manikang nasa imbakan
III
Hiling ko’y bakit malabo
Sa bawat sambit kapalit ay palo
Nguso ko’y namutol na ng dugo
Sa kamao ni Itay, iyan ang natamo
IV
Si Inay nama’y dumalig at yumakap
Sabay sabing “tahan na anak”
Uhog ko’t luha na ang pumatak
Ayaw papigil…manika ang hanap!
V
‘Di ba’t larua’y sa bata nababagay
Bata naman ako, bakit ayaw ibigay
Pinagkaitan…pinagdamutan..ganyan ba ang buhay
Laruang asam, sa aki’y di bagay?
VI
Manika raw ay laan sa babae
Lalaking manika, bawal pa rin sa lalaki?
Ano bang batayan oh di ko mawari
Isang pamantayan ng bingot na labi
VII
Robot, yoyo at baril-barilan
Ilan lamang sa dapat ko raw paglaruan
Tunay raw at sadyang nababagay
Tanggapin ng maluwag, ‘wag ng umangal
VIII
Hindi ba’t mas magandang nang bata pa lang
Matuto ng mag alaga ng napupusuan
Nang paglaki’y di masanay na baril ang hawak
Na sa isang kasa’y may mababaon sa hukay
IX
Lahat ng bata’y may karapatang maglaro
Pumili, magmithi ng sigaw ng puso
Huwag sanang ipagkait ang gusto
Huwag mamilit, di yan wasto
Ito ang likha kong tula na kalahok sa www.saranggolablogawards.com
-
abagail-anderson reblogged this from lesstearmore
-
joeyvelunta liked this
-
lakandula said:
Ito na panalo :)
-
lakandula liked this
-
lesstearmore posted this